Sunday, April 5, 2009

Lenten Season

Well eto na naman ang panahon kung saan ang ilan sa atin ay ginugunita ang panahon ng pinakamalaking event sa buhay ng ating panginoon. Oh Diba! parang super religious. Xempre yung iba yan talaga ang ginagawa. yung kung todo samba at dasal sa kung anu anong keme. Well paniniwala nila yan.
Eto rin ang panahon kung saan medyo mahaba ang bakasyon at panahon upang mag relax. sana lang ay talagang makapag relax ka.
Madaming pwedeng gawin sa mga panahong ganito. pwede ka makipag bonding sa iyong friends and relatives at kung anu anu pa. marami ang nagyaya pumunta sa beach dahil ito rin ang panahon kung saan nagsisimula ang summer.
Sa mga batang nasa Edad ng pagbibinata ito rin ang tamang panahon upang mapatunayan ang pagiging tunay na binata. pwera na lang kung pinangunahan ka na ng magulang mo at ng ikaw ay ipinanganak ay pinatuli ka na nila.
Meron din naman nag talagang kinakarir ang ganitong season at kung anu anong gimik ang ginagawa. eto ang simula upang matutong kumanta ang mga sawing palad sa tulong ng Pasyon at yung iba naman ay nagpapapako sa cruz. Oh diba walang pwedeng gawin sa panahong ito. pero di ko trip magpapako sa cruz.
Ang mahalaga ay Maalala natin ang ginawang sakripisyo ng dyos di lang sa panahong ganito kundi sa araw araw.
Minsan parang nagiging palabas na lang ang mga ganitong okasyon.
Tandaan na lamang sana natin na once upon a time merong isang nagbuwis ng buhay upang ipamukha sa atin na tayo ay makasalanan at di sapat na namatay siya upang maunawaan natin na hanggang ngayon ay patuloy tayong gumagawa ng kasalanan.
Ang drama din..
Just keep what this season is all about...

No comments:

Post a Comment

Followers