Sunday, February 22, 2009

Saranggola

Noong bata pa ako madalas kami maglaro ng mga kapit-bahay namin sa bakanteng lote malapit sa bahay. dati iyong bukid pero dahil wala na yung mga nakatira doon puro puno na lang ng saging at talbos ng kamote ang tanim doon. Malakas ang hangin kaya naglalaro kami ng saranggola.
Ilang saranggola na rin ang nagawa ko minsan gawa sa lumang dyaryo o di kaya sa butas plastic bag. kumukuha lamang kami ng ilang piraso ng walis tingting at lumang sinulid masaya na kami bumubuo ng munti naming saranggola at tumatakbo sa amin munting bukid.
Noon masaya na kami sa ilang oras na pag takbo at pagpapalipad ng saranggola. Kahit pawisan na kami umuwi at ngalay ang kamay at paa sa pagtakbo masabi namin na kumpeto na ang araw namin dahil nagawa namin ang nais namin gawin. Masaya talaga alalahanin ang mga nakalipas lalo na kung ito ay nagbibigay ngiti.
Ang isang relasyon ba ay parang isang saranggola?
yan ang tanong ko sa sarili ko noon pa.

Kung ikaw ay ang tipo ng tao na nakatingin lamang sa malayo habang ang taong mahal mo ay mataas ang lipad masasabi mo na "OO" pwede mo siyang ihalintulad sa atin. Tulad ng isang pag-ibig ang saranggola ay tulad ng dalawang tao. Kung ang isa ay magpaparaya at hayaang abutin ang pangarap ng isa at siguradong mataas ang mararating niya. Kahit na bibigat na ang pisi habang tumatayog ang lipad ng minamahal kung matibay ang pinagsamahan ay siguradong lalong tatayog ang samahan. Pero sabi nga ng iba pag ang isa sa nagmamahalan ay malayo na ang narating marami ang nais pumutol sa kanilang pisi. ang tunay na paguunawa at tiwala ay makakatulong sa kanila. at ang pisi nila ay magiging ugnayan upang kahit gano man kalayo ay sigiradong magiging masaya pa rin sila.
Paano kung ang isa ay bumitiw sa pisi at tuluyang liparin ng hangin ang saranggola. Tulad nga ng saranggola kung saan mang bumagsak ito ay mayroong bata ang dadampot at ang saranggola ay lilipad ulit. Malaya sa hangin at kung pwede kaya nitong abutin ang mga bituin.
Kung ikaw ang aking saranggola hahayaan ko na lumipad ka at abutin ang langit habang ako ang iyong gabay patungo sa pinakamataas na bahabi ng langit.

No comments:

Post a Comment

Followers