Andito ako pra ikwento sa inyo ang unang trip ko papuntang baguio. Xempre excitement ako dahil 1st time ko na pumunta sa baguio, ang masaya pa dito ay wala akong gagastusin na pamasahe at food. Dahil sagot ng opis ang lahat. Kaya naman mas masaya yun db!
11pm ay naghanda na ako para sa byahe. xempre sumakay kami ng bus papunta ng victory liner, cubao at 430php ang pamasahe hanggang baguio na at may 2 stop over sabi ng mama na pinagtanungan namin. may kasama pala ako na isang opismate na cya yung gagawa doon ako lang ang kukuha ng picture pag tapos nya. Ang bagal ng cashier kaya tinawag na lang kami ng konduktor dahil paalis na yung bus. doon na lang daw kami magbayad. So sumakay na kani dahil kami ang huling sumakay wala kami choice kundi pumuwesto sa ilang bakanteng upuan. Kainis lang nde malapit sa bintana ang naupuan ko. Dahil may matabang mama na ang nauna sa sa pwesto. ganun talaga pag huli nakapasok sa bus. ngumiti ako sa kanya at inilagay ang bag ko sa taas. hay ang ingay ng MP3 ni manong. kala naman nya makakatulong yon sa byahe. ikaw ba naman pagkalakas lakas ng MP3 mo e may music naman sa bus. anu gusto mo magpatalbugan kau ng music sa bus. buti sana kung latest music trends ang pinapatugtog ni manong na chubby.
sabi ni manong kundoktor alis kami within 15 mins. pero xempre nagantay pa kami ng 30 mins bago talaga umalis yung bus sa terminal. 12 midnight eksakto. nagbaybay kami sa balintawak. syempre tanaw ko sa bintana yung mga dinadaan namin. kinuha ni manong yung mga ticket at dahil wala pa kami ticket ang sabi ko. "Manong wala pa kami ticket! Magkano po hangang Baguio" at ayun dinedman ako ni manong. buti na lang at alert ako at binaling ko sa katabi ko ang tanong, "kuya magkano hangang Baguio?". at infairness narinig ako ni kuya kahit na malakas ang MP3 nya na dinig na sa buong bus. di cya nagsalita at tinuro na lang ang kopya ng kanyang resibo. Aba! 430 pesos nga. biruin mo yun. kala ko 350 pesos lang kasi yun ang sabi ng mga hitad kong opismate na nagmamaganda na keso everyweek daw ay pumupunta siya ng pampanga! sa loob ko lang "Ate! baguio po ang pupuntahan! bakit pampanga ang binubwelta mo?" Kaya ayun. in the end ang nakuha kong budget ay 2,500pesos para sa stip. syempre babayaran ko yung kasama ko. tinatry ko rin matulog sa byahe kasi nga alam ko mahaba ang byahe. kaso lang ang lakas ng music ni kuya ang tugtog nya ay may "My love will see you thought" cguro mga 5 beses ko yun narinig b4 kami dumating sa unang stop over namin which is sa tarlac. Pano ko nalaman na tarlac? xempre sabi nagising ako sa kalabit ni manong kundoktor sabi nya "stop over po! tarlak! tarlak! baka gusto ninyong mag CR?" bumaba kami ng kasama ko. at xempre may mga tindahan sa paligid. Oi! may bakery! pero OMG! ang mahal ng tinapay! feeling ko nasa Paris ako. musta nmn ang isang pirasong bread na may cheese 45pesos! kaya umikot kami! at bwenas! may nakita kaming tindera ng balot at 12 pesos ang balot ni ate! kumain kami ng 2 each. tapos bumalik na kami sa bus.
patuloy ang byahe at dumating kami sa 2nd stop over namin sa Villasis, di ko alam kung saang bayan na ba iyon pero meron mga poster doon na nagsasabi pangagasinan. ewan ko! basta di na ako bumaba ng bus. dahil inaantak na ako ay umalis c manong na malakas ang MP3 kya medyo makakatulog na ako at umalis na ulit ang bus. ang dilim ng kalsada at dama mo na ang lamig! pero wla pa kami sa baguio at nag babasa na ang salamin ng bus. bumaba na ang katabi ko sa bus kya mas ginahahan pa ako matulog pero di ako inantok. kasi ang gulo ng bus! hangang sa nakatulog na ako...
.......... itutuloy
No comments:
Post a Comment