At nagising na lang ako ng sumisigaw si manong kundokto na "baguio na po! Terminal na po ito!" sa loob ko si manong galit kaba?
Inayos ko na ang gamit ko madilim pa sa labas kaya di pa ako sure kung d2 na ba talaga kami. hehehe! pag tapak ko sa lupa ng baguio! Aba! nanginig ang buong kalamnan ko hangang buto! Sobrang lamig kala ko nga nasa opis lang ako. grabe pala ang lamig doon. Well syempre anu gagawin mo pag malamig ang panahon nakita ko agad ang tindahan ni manang. "Aroscaldo nga manang!" pero parang wala paring epekto yung aroscaldo kasi after 15mins ramdam ko pa rin ang lamig. xempre 10am pa ang bukas ng sm baguio kaya naisipan muna namin ang maglibot. nakakatulong pala talaga ang paglalakad kahit malamig ang panahon medyo nakakawala ng lamig. kung baga nalilipat yung isip mo imbis na lamig ang nararamdaman mo ay pagod db!
umikot kami sa bayan, biruin mo parang alam na agad namin yung buong lugar kasi paikot-ikot lang kami at nakikita na namin yung mga gusto namin puntahan. xempre sa park kami una pumunta daig pa namin ang mga kasambahay habang nag daday-off sa luneta pero kami ibang level kasi dumayo pa kami ng baguio para lang magpakuha ng larawan sa mga puno at lawa. kahit mukha kami ignorante ay cge lang kami ng cge. kasi napapansin namin na sa di kalayuan ay meron din tulad namin na damangdama ang ganda ng lugar kahit na medyo dismayado kasi medyo makalat ang lugar keri na din. Dahil sa lamig ng hangin makakapag relax ka talaga. tumawid kami ng overpass ay napansin namin. aba may parade! anu pa nga ba at nagusisa kami. yun pala ang mga kalahok sa gaganaping labanan ng mga kuponan sa larong soccer. ang sosyal db! parang sa baguio ko lang naranasan ko kasi madalas ay puro basketball league ang nakikita kong pumaparada. pero dito soccer talaga!
Nagpunta kami sa palengke kasi ba naman yung boss ko nagpapabili ng 3 kilo ng strawberries at yung mga hitad kong opismate nagpapahanap ng bag na made in baguio. gora kami sa market at ang saya kasi tagalang fresh ang mga gulay at prutas. may free taste ang sttawberries kahit naka lima na kami ng kasama ko naka smile pa rin c ateng tindera. kaya sa kanya na kami bumili. bumili ako ng 3 kilo para sa boss ko at 2 kilo para sa akin. yung kasama ko nalungkot ata kaya bumili ng isang kilo lang. pano ba naman ang dami kong dala starberries pa lang ilang kilo yun db. mas lalo siyang nawindang ng ilabas ko ang aking portalble bayong di nya akalain na magkasya sa bag ko yung bayong kaya ayun nailagay namin lahat ng prutas sa isang lalagyan pati yung pinamili nya.
Pumasok kami sa market at ang gaganda ng mga tela na gawa sa baguio nde lang para sa bag ginagamit yun pati sa table cloth ang ganda gamitin. meron din kumot at damit. pero for sure di ako magsusuot noon. juice ko ang init sa manila ang kapal ng tela na yun. baka talo ko pa ang nag gym ng 3 araw na walang pahinga at kung ilang litro ang pawis ang tumagaktak skin pag suot ko yun habang naglalakad sa kalsada db. kaya sabi ko no thanks na lang. bag lang ang gusto ko.
At natapos ang aming pamimili ng ilang gamit 10 am na pala. kaya pumunta na kami sa sm baguio. sa upper level makikita yung store ng giordano kung saan talaga ang pakay namin. pumasok kami sa store at nagpakilala. Nakita na namin na nagaayos sila kaya mas madali ang paglalagay ng sticker sa isang part ng dingding nila at after 30 mins ang trabaho namin sa baguio at tapos na!
Kumain kami sa food court ay pinagpatuloy ang pag iikot. Pinagbengan pala ang drama sa baguio kaya madami ang banner sa kalsada at di ko alam kung iyon din ang dahilan kung bakit medyo mahal ang mga bilihin doon. Nakilala namin si manang may tindahan malapit sa parking area. meron siyang tindang wine at xempre may free taste. alam nyo ba naka 3 tagay ako sa limang uri ng wine na tinda niya kaya nahihilo na ako. Binili ko yung 5 types ng wine ni manang kaya masaya siya. binigyan kami ng discount meron kasi siyang tindang matamis yung 4 for 100 magiging 5 for 100. oh db ang sosyal. kaya bumili din kami. ang laki ng kita ni manang sa amin. bumili din ako ng pasalubong at duyan pati ang bag na yari sa abaka para kay manong sa tapsihan na kinakainan ko malapit sa opis.
Matapos ang pamimili ay ramdam ko na ang hirap ng byahe! ang dami ko palang dala at ang layo ng sakayan sa market kaya kahit malamig ang panahon ay pinagpawisan ako. sumakay kami sa bus malapit sa amin. na naka pwesto ng maganda. hay kakaiba ang radyo doon may dating game yung dj sa radyo may caller na babae naghahanap ng date para sa valentines. sa loob ko lang " juice ko ate! disperada ka bang magka date kaya ganun!" pero kanya kanya yan kaya hear lang ako sa drama sa buhay ni ate at mga lalaking nambobola sa kanya sa ere at isa lang ang verdict ko. titikman lang si ate tapos mag break din cla. naging mas mahaba ang byahe pag uwi dahil hapon kami umalis ng baguio kaya medyo matrapik. ang nakakatawa at yung kasama ko ay 3 beses nahulog sa upuan nya at nagugulat na lang ako ay nasa gitna na siya ng bus. sabi ko na lang sa mga kasabay namin sa bus xenxya na po kala nya kasi nasa kama siya kaya siya gumugulong. ayun tawa ng tawa yung tunders na babae sa kalapit namin upuan.
Ang daming umakyat sa bus na nagbebenta ng kung anu anu. may chicharon, mani, tubig, itlog at kung anu anung matamis. Nagulat c manang sa tabi namin ng umakyat ang isang matipunong lalaki na maganda ang porma naglakad siya hangang sa dulo ng bus at biglang sumigay "matamis! choknat at espasol!" di napigilan ni manang ang pagtawa. gulat xempre kami, pero ang bait ni kuya dahil binigyan nya ng sample ng product na binebenta nya ang lahat ng pasahero. isang choknat at isang espasol. san ka pa! pagkabigay ni kuya kinain ng ibang pasahero ang bigay nya. pero napansin ni manang na nakatulog na yung nasa bandang unahan ng bus kaya sabi nya kay kuya na tindero. nakaka antok nmn ang tinda mo nakatulog na sila. xempre tawa kami. ang lakas ng halakhak ni manang eh. pero in the end di kami bumili. sobrang tamis ng tinda ni kuya nangilo yung ipin ko. Naging mahinahon ang lahat 2 stop over din ang dinaanan namin. pagod na kami pra bumaba pa ng bus kaya natulog na lang kami hangang sa balintawak. bumaba na ang kasama ko kaya ako na lang ang natira. konti na lang din ang sakay ng bus. 9 pm n ng dumating ang bus namin sa shaw. bumaba na ako at dumeretso sa opis para ibigay kay boss yung starberries at resibo. naligo ako at nagligpit ng gamit. umuwi na ako samin at doon na ako naka tulog.

No comments:
Post a Comment